Ayoko sa term na yan,CAm WhOre,kasi kapag binigkas ko yan sa hapon,kiyamu-ho-lu na lalabas!
Wala akong magawa kahapon nang umaga.Hinihintay kong magising si Ally dahil dadalhin
ko sana sa hospital dahil may lagnat.Baka kasi maisip nyo na member ako ng Desperate Housewives,hehe.
Alam nyo ba na ang gagaling ng mga haponesa na kumuha ng face pics thru cell phone?At eto ang tips nila>>>>>
1)Kailangan hanapin mo yung lugar na may magandang liwanag o ilaw.
2)Mas maliit na lalabas ang mukha pag tinakpan mo ng buhok. (haha!)
3)Kailangan ay magaling ka sa “projection” para lumabas na parang di ikaw yung nasa litrato.
So,eto naman ako…walang magawa…kung ikaw ay kumakain,dahan dahan lang sa pagsubo at baka ka mabilaukan,haha!
At kung ikaw ay sawa na at di mo gusto ang iyong nakikita,maluwag ang aking pintuan….humayo kang mapayapa at umuwi ka na sa bahay mo para huminga nang maluwag.
Kaya ayun,halos ikutin ko ang buong bahay para maghanap ng maliwanag na lugar…nakarating ako sa CR,hanggang sa bathroom!
Gaya nito…hmmm,hindi maganda!Blurred na,madilim pa!
Eto naman,parang naloloka na…uy,mahirap yan ha?Ang sakit sa balakang…
Ugh…nangangalay na ang mga braso ko..sige,konting twist pa…(ang hirap yatang itago ng
bilbil…) haha!
Dito…ayan!Maganda na ang ilaw!Kaso,ang hirap ngumiti nang sapilitan!
Eto…gusto ko `to…pero teka,masakit na ang leeg ko…
Hmphh..di ko alam kung ano ang nakakatawa…
Perfect light!!But flaw-ful face!Haha!Pero teka…bat hapis na ang mukha ko?Di pa naman ako ganyan kapayat!Ahh,alam ko na…puyat lang yan kasi sinumpong ng insomnia.
Eto ang paborito ko…pa-demure-effect ang smile ko dyan…parang di makabasag ng pinggan…(baso lang naman)
Hayy…sa wakas ay naupdate ko rin tong blog na to.Matagal na `tong natutulog.May eyebugs na nga!
Ikaw,kelan ko makikita ang iyong mga projection sa cam?Alam ko,ayaw ng mga lalaki sa ganyan,pwera na lang kung narcissist o kaya “di tunay na lalake”?haha
It`s not bad to be 40…NO….not at all..















